KUYA RICKY
ATE MHAI
Eto naman si ate Mhai, kasalukuyan siyang nasa abroad. Dati rin siyang member ng young people at sa kanyang paglaki (naks) ay isa rin siya sa masugid na umalalay sa gawain. Katulad sila ni Ricky ng paniniwala tungkol sa paghubog sa isang spiritually habang bata pa…KUYA
Si kuya Gary ang dating pangunahing advisers na humahawak sa activity ng mga kabataan. Lagi rin namin siyang kasama sa mga lakad, kagaya ng pagbisita sa ibang mga churches at outdoor fellowship. kahit hindi siya mukhang driver, madalas niya kaming ipinagmamaneho dahil sa sasakyan din niya kami nakikisakay. Matiyaga siyang nagbabantay sa aming mga activities at kahit ngayong nag iba na ang administrasyon ay nakukulit pa rin namin siya at nahihingan ng tulong especially kapag may Christmas presentations.KUYA JULIUS a.k.a. KUYA YOK
Siya ang kasalukuyang “bagong administrasyon” ng young people. Siya ngayon ang aming kinukulit 24/7. Natiyaga rin siyang nakabantay at nakagabay sa gawain ng youth. At mahaba rin ang pasensya nitong si kuya Julius, kahit pa ubod ng kulit at ubod ng gulo ang mga young people.
By the way, aminado rin siya na likas din siyang makulit. Jack of all trades din si kuya Yok, siya ay pastor ,adviser, singer (the best!) dancer (ehem) entertainer, game master, camp director, choir conductor (ng mens and womens department kapag christmas party) taga-alok ng tinda ng ibang ka church mate :-) at marunong din siyang magbutingting ng kung anik anik
ATE ZEN
Si ate Zen, siya po ang mabuting maybahay ni Kuya Yok. Mabait at mahaba din ang pasensya ni ate Zen at katulad nina Gem at Hana ay itinuturing din nilang anak ang iba pang kabataan.
PASTOR GANI
Siya ang aming pastor. Siya din ang matibay na foundation ng aming church. Siya ang malinaw na physical manifestation ng "living by faith" at katuparan ng ilan sa mga promises. aminadong nagsimula sa mababa, tinupad ni Lord ang pangako niya na prosperity at abundance sa kanilang buhay. marami rin silang natutulungan financially at higit sa lahat spiritually. eto ang verse na natatandaan kong madalas niyang sinasabi;
Jeremiah 19:11
"For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."